Wednesday, January 19, 2011

tektek much

"Mare! Magpapainom ako kapag di kayo nag-away ni Paul ng 1 week", -bestfriend ni paul
Ay aba! nagrindi ang tenga ko. Ma-try nga. 

Okay, okay kami....

Maya maya, Away nanaman.

Sa isip isip ko, mukang maganda tong pauso ni Leo ah na magpapa-inom siya. Ayos! Para di rin kami mag-away.

Cool lang ako.

Pero ewan ko, tinetektek much ako kagad.

Di ko alam kung bakit ang bilis ko ma-highblood, magsungit, mairita.

Konting away, hiwalay.

Ewan ko ba.

Escape goat ko ata ang piliin na maghiwalay.

Paulit-ulit break.

Alam ko siya din nagsasawa na kaka-break.

Sabi ng friends namin, unhealthy na daw..

Sabi naman ng iba, palamig muna.

Sabi din nila, mag-ayos na kami..

At sabi naman ng puso ko,

'sige pa... mahal mo di ba? ngayun ka lang naman nagmahal.. lubos lubusin mo na.. masaya ka naman at di mo kayang wala siya.. may humihila pa din sayo pabalik kahit nasasaktan ka na.. at alam mo naman MAHAL ka din niya, maayos niyo din yan. simulan mo sa sarili mo'

Kalurkeyyyyyyy! Sisimulan ko sa akin?? Sabihin na natin sige, sisimulan ko sa sarili ko na alisin ang negative sa relationship namin.. But, ayokong dumating sa point na masasanay siya na ako ang nagpapakababa, and everything. Alam ko pareho kami ang 'dapat' na may baguhin. di lang ako.. kaya nga may 'kami' eh. may 'paulats'.. ang sabi niya sakin, kung di daw ganito ang attitude ko, di rin siya makikitungo ng maayos. huwattt.? ah ako pala ang mauuna. Ma-try nga. isipin ko pa lang hirap na ako. pero gagawin ko pa din..

GOODLUCK sa akin at sa amin. MAHAL ko, gagawin ko.

No comments:

Post a Comment