Ako lang ang natira ngayun dito sa office..
Wala sila.. pati kabilang unit wala din..
Di pa ako kinakausap ni DLL (daddy long legs)
Nag-away kami kagabi..
Kakasimba pa lang namin sa Victory..
(eto ang tema nila ngayon..) "STRONG"
Pagkatapos ay umuwi sa bahay para mag-dinner.
Walang kanin.. Pero may bigas. Gutom na kami.
Sinigang na baboy ang ulam.
Mga bente piraso na lang ang kanin.
Nagpautos ako bumili na lang ng kanin sa Helper..
'pachuchay bili mo ngang kanin si ninang mo' utos ng helper namin sa bata habang nagfu-foostpa sa kapatid ko.
"okay easy lang ako kahit gutom na" sa isip-isip ko lang.
Bumalik si pachuchay, 'ninang wala na daw kanin dun'
'tawagin mo si kuya mo, siya ang bumili sabihin mo', ang helper habang nagkikiskis ng kalyo sa paa ng kapatid ko
'AKO NA LANG!!!! AKO NA LANG BIBILI NG KANIN!!!' pasigaw kong sinabi.
At dali dali pumunta sa bilihan.
di ko na itutuloy ang kwento dahil mainit na ang ulo ko at nagdilim ang paningin ko.
di ko alam kung bakit,
uminit din ang ulo ni DLL at umalis. Iniwan akong kumakain.
di ko narin naubos ang pagkain. nawalan ako ng gana.
sabi ko sa helper eh ipakin na lang niya kay BUBU (alaga naming aso) ang pagkaen.
wag daw. Siya na lang ang kumaen. parang walang nangyare o naidulot sa kanya ang pagsigaw ko. (natawa na lang ako)
'Okay' lang ang naisagot ko at natulog na lang.
Sa totoo lang, medyo may kapalpakan itong si yaya helper. di marunong sumunod sa instructions.
si mama ang madalas magpagalit sa kanya.
ako, Cool lang, kagabi lang uminit ang ulo ko.
Madam Madam kasi ako sa kanya.(means, amo ang datingan ko talaga)
Siya ang taga-handa ko ng pagkain tuwing umaga.
Siya din ang naghahanda ng baon ko sa opisina.
Siya lahat sa bahay.
Masipag siya.
Malinis sa bahay
PERO, di maayos.
Ako ang taga ayos samin, yun nga lang, busy akong tao kaya di na nakakapag-ayos sa bahay.
Actually, yun ang unang sigaw ko sa kanya.
ayoko na kasi siya pagalitan,
alam kong naririndi na din siya sa bunganga ng nanay ko.
pero para sa kanya, parang walang nangyari..
okay kaninang umaga,
dating gawi, may baon pa din ako.
pero walang ulam. gumanti ata. (echos lang)
nagbaon na lang ako ng de lata.
niluto ko sa Nuwave ng boss ko.
Kumain mag-isa sa harap ng PC habang nagbabasa ng Blogs.
malungkot. ako lang mag-isa.
kaya di ko naubos ang pagkain.
No comments:
Post a Comment