Wednesday, January 5, 2011

ganito ba talaga?

Ganito ba talaga?

Ang hirap naman..

Ang sakit sa ulo..

Ang sakit sa puso..

At ang sakit sa tiyan dahil nakakagutom na nakakasuka.

Mahal ko siya... MAHAL NA MAHAL..

Ngayun lang ako nagbigay ng pagmamahal na lahat binigay ko. As in all out.

Sabi ng iba

....kung magmamahal ka, take the risk na masasaktan ka..

....kung magmamahal ka din lang, lubos lubusin mo na, dahil minsan lang yan mangyayari sa buhay mo, na kapag pinalagpas mo, pagsisihan mo.

....kung hindi na healthy at masyado na magulo ang isang relasyon, tigilan na. 

...kung kaya pa, bakit hindi ayusin?

Masyado silang madaming sinasabi. Punyeta 'SILA'. Sino ba sila? Di ko din alam..

Sa totoo lang, MASARAP AT MASAYA umibig..

pero may kakambal itong HIRAP, SAKIT, at HINDI ito MADALI.

Hindi totoo ang LIFE IS UNFAIR.

Dahil fair ito. Napansin ko lahat ng bagay at nangyayare ay balanse.

Minsan okay... at minsan din dadating ka sa point na hindi magiging okay.

Ang gulo ng mundo. 

Nalilito na ako..

At nasasaktan....

1 comment: