Monday, January 24, 2011

bad dream

Every night ako nananaginip.

Yung panaginip ko kanina, ang PANGET. Sobra.

Medyo malabo ang Scene.

Una, nasa bahay kami nila DLL, isang singkit na kaibigan, at 1 babae. (kilala ko ang babae, tenant sa condo)

Pareho ng damit si DLL at ang babae.

Sweet sila.

Binuhat pa ni DLL ang bag ng babae.

Dito pa kayo sa bahay ko naglalandian!!! 


Wala daw yun. Di daw sila. Pero naglalandian sila. Nairita daw ako ng bongga.

Next scene, lumabas si DLL ng bahay. At nakipag-tagayan sa mga lasinggero sa labas ng bahay.

Uminit nanaman ang ulo ko. at Masaya pa siya habang nagiinom hah!.

Another Scene, inuman, kasama ang mga kaibigan, sa parang pinagiinuman namin (CBB), sa tabi ng SM makati/glorieta (Medyo di clear kasi)

may dumekwat ng pouch ko. Isang lalake na mukang Holdaper.

Sinira niya ang pouch habang papalakad palayo.

Sumigaw ako at nagpatulong kay DLL.

Hinabol. Inilagan ang panaksak na animoy Action Star.

Nakuha ang panaksak. Bread knife pala ito.

Paano ko nalaman na bread knife?

Nahulog at pinulot ko.

Hinuli ni DLL ang kumuha ng pouch.

Binantaan at pinakawalan.

Ang babaeng haliparot, umeksena nanaman.

Tinatawag si DLL.

Uminit nanaman ang ulo ko.

Umiiyak ako na walang halong Luha.

Sobrang irita.

Next Scene, tumawid.

Nakita si lola (lola ni DLL), nakaupo.

Di clear ang nangyare.

Pero nairita ako.

Kaya di maganda ang pag gising ko kanina.

BEDDDTRIIPP!

No comments:

Post a Comment