Thursday, December 2, 2010

Wrong Outburst

Sinundo niya ako galing opisina. Ang saya ng bonding namin habang papauwi. Sweet sweetan pa ang drama namin. Dumaan pa kami ng market para bumili ng clams o halaan (sa tagalog). Favorite ko kasi yon lalo na pag may malunggay. anyways, pag dating namin sa bahay, nag-prepare na kami para mailuto ang clams, masama na pakiramdam ko and gutom na din. Pinapaluto ko sa kanya ang clams, ayaw niya. Sumimangot ako, ako ang nagluto. Naghanda na ako ng lamesa. Kakaen na. Yehey. Habang kumakain kami, nagtanong siya "Ilang christmas na dumaan na wala kang boyfriend?", sagot ko: "once pa lang, last year". Tanong ulit siya, "gusto mo wala ka ulit boyfriend ngayun christmas?", nag init ang ulo ko, na-blurred ako, "at baket?",
"pano pag bigla akong pasakayin ngayung christmas?" sagot niya
 "wala na nga akong boyfriend last year, ngayun wala ka din?"
nakakainis. ayoko ng mga ganyang tanong.
Ine-enjoy ko pa naman yung clams ko, nawalan tuloy ako ng gana.
Di ko na maalala yung iba ko pang nasabi, alam ko lang uminit na ulo ko at di na muling sumagot.
ayun, nagalit na din siya, "kinakausap ka ng maayos di ka marunong sumagot ng maayos"
sa totoo lang, ayoko talaga ng mga ganyang tanong. Para saan? Para magpapansin? Para magpa-miss? Para saktan ako? PARA SAAN? DI ko maintindihan!!
Tumayo na ko. Wala na ako ganang kumain. 
Naghugas na lang ako ng plato, siguro mga 10 mins din yun. 
Kumalma na ako, at nagsorry. 
With no words spoken, kumalma ako. 
I sincerely said SORRY.
Tumango lang siya.
Inaya ko na siya sa labas ng bahay.
Pag-upo namin, nag aya siya uminom.
HELLLLOOOO!!! may sakit kaya ako? Iinom ako?
Sabi ko ayoko. 
Kinuha niya cellphone niya, tinignan ko habang nagtetext siya.
Nagaaya ng barkada niya uminom.
Sa tuwing may problema ba kailangan mag-aya uminom?
Ni minsan di ako naglakas ng loob para mag-aya makipaginom dahil ayoko lumaki pa yung away namin at alam kong ayaw niya gawin ko yun. Pero bakit siya? Isip bata nga ba sya? Para sakin isip bata siya.
Nagalit na ko, i confronted him kung bakit niya ako inaaya mag-inum though alam niya na may sakit ako?
Hindi naman daw niya ako pinilit?
Fuuccckkkk! Shieeettt! Badtrip!
The fact na inaya niya ako, di niya yun naisip?
pangalawa, bakit kailangan mag-aya ng friends? 
Dahil ayoko? tang***** rason yan! hindi ba pwedeng manahimik na lang!! Kailangan ba mag-inom??! eh alam ko ayaw niya din masyado nagiinom!
Nagtuloy tuloy init ng ulo ko. 
Ayoko na makipag-usap.
Pumasok na ko sa loob at nagpalit ng pangtulog.
Text siya ng text na magusap kami at lumabas ako..
AYOKO nga.
Pinapauwi na siya ng nanay ko,
ayaw pa din.
After 10-15mins na pilitan, lumabas ako at nagsisisigaw. Nag-amok na talaga ako. Bumalik nanaman yung pagkamaldita ko. Nasigawan ko siya. Napahiya sa harap ng nanay ko. At gigil na gigil talaga ako. 
Hindi ko naisip ang nasa paligid ko at wala talaga kong pakialam.
Nasuntok ko pa siya sa sobrang inis ko.
Pumasok na ko ulit.
Umuwi na siya.
I felt sorry. Di ko napigilan yung galit ko.
Ayoko kasi talaga makipagusap pag galit ako, eh siya gusto niya pagusapan agad para matapos agad. Wala kaming mapaguusapan dahil nga galit ako. Pwede naman pag kalmado na kami pareho eh. Di ba pwede yun?

Nalulungkot ako. SOBRA.
Sa tuwing naiisip ko yung problema namin, 
gusto ko na sumuko.
Pero pag naiisip ko gano ko siya ka-MAHAL,
nagiiba lahat.

SAPAT NA BA ang PAGMAMAHAL lang?

:(




No comments:

Post a Comment