ANG KWENTO NG KUBETA AT INIDORO. BOW~~~
witchels lang. di ko alam ang kwento ng inidoro at kubeta at kung meron man, ay hindi ko alam.
Morning routine ko:
Gigising ako ng 7am para may isang oras ako para mag-prepare. Buti nalang 9am ang pasok ko, di ako naha-hassle sa pag gising pwera na lang pag nakainom ng gabi. aalis ako ng 8am, isang oras para sa travel time. Araw2 nalang trapik sa Paco, wala nang bago dun. Kaya mainit ulo ko dun sa lugar na yun bata palang ako, eh wala akong magagawa, napadpad ako sa trabaho ko na dun lang talaga ako pwedeng dumaan. Pagkatapos, magtitimpla ng kape at dederetso sa kubeta kasama ang isang stick ng yosi. di mawawala ang yosi sa umaga kase hirap talaga akong maglabas ng dumi pag hindi nag-yosi. Baka nasanay na din yung katawan at utak ko sa ganon. Habang nasa inidoro, kasabay ang pagsipsip ng kape at paghithit ng yosi, ilalabas ko na ang sama ng loob ko kasabay ang pagiisip ng kung ano ano.
Tuwing umaaga, blanko ang isip ko, bagong araw nanaman, ang sarap nanaman magisip ng mga bagay bagay.
Ano Kaya mangyayari mamaya? Ano nanaman kaya magandang gawin sa opisina? Ano kaya kakainin ko? Magkikita kaya kami ni Paul? Sarap magisip.. kasabay pa ng pag-iri ko yung pagiisip ko kung ano isusulat ko sa Blog na to.
Bakla ka di na nasundan blog mo, okray ni rusell sakin.
eh wala naman ako malalagay dun eh, sagot ko sa kanya.
pero ang totoo, madami akong naiisip at gusto ilagay dito. Lalo na pag naupuan ko ang inidoro. excited pa ko maglagay sa blog ko. Pag dating ko sa opisina at kaharap ko nanaman ang computer, ayun blanko nanaman. Anu kaya no kung isama ko ang laptop sa pagdumi ko??
No comments:
Post a Comment